Inilagay na sa high risk category ang Intensive Care Unit (ICU) beds para sa mga pasyenteng may COVID-19 sa bansa.
Ayon sa Department Of Health, 73% na ang occupancy rate ng mga ICU beds.
Ikinukonsiderang high risk ang occupancy rate kung pitumpu hanggang 85% na itong okupado.
Sa Metro Manila, high risk na rin ang ICU beds kung saan 72% ng 1,400 ang okupado na.
Nasa moderate category naman ang COVID-19 ward beds sa bansa kung saan 67% ng 14,300 ang okupado pero sa NCR 71% nang okupado ang covid ward beds.—sa panulat ni Drew Nacino