Nasa full capacity na ang Intensive Care Unit (ICU) beds ng Philippine General Hospital (PGH) para sa COVID-19 patients.
Ayon kay Dr. Jonas Del Rosario, 100% nang puno ang 30 ICU beds sa PGH para sa mga pasyenteng may COVID-19.
Sa ngayon kasi ay umabot na sa 310 COVID-19 patient ang naka-admit sa nasabing ospital. —sa panulat ni Angelica Doctolero