Nananatiling puno ang Intensive Care Unit (ICU) sa Philippine General Hospital (PGH) na isa sa pinaka malaking COVID-19 referral center sa bansa.
Ito ang inihayag ni PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, matapos sabihin ng DOH na maikukunsidera nang nasa safe zone ang ICU Utilization Rate sa Metro Manila.
Ayon kay Del Rosario, isandaang porsyento pa ring okupado ang ICU dahil sa mga pasyenteng nakararanas ng critical o severe symptoms.
Gayunman sinabi ni Del Rosario na pababa na ang bed utilization rates sa ibang bahagi ng ospital.
Hindi na umano nagkakaroon pa ng mahabang pila sa kanilang mga emergency room at sakaling may magtungo man ay kaya na nilang i-admit agad ito.