Nasa high risk level ang occupancy rate ng intensive care units (ICU) sa Muntinlupa at Las Piñas.
Ito’y ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagama’t nasa 30% aniya ang ICU Utilization Rate sa Metro Manila.
Aniya, binabantayan nila ng mabuti ang sitwasyon sa naturang mga lugar upang malaman ang dahilan ng mataas na ICU Utilization Rate.
Sa isang tweet noong Biyernes, sinabi ni OCTA Research Fellow Guido David na nasa 74% ang ICU Utilization sa Las Piñas habang 65% naman sa Muntinlupa City.
Samantala, sinabi ni Vergeire na sa ngayon ay nasa 30% ang ICU Utilization Rate ng Pilipinas na itinuturing na low risk. —sa panulat ni Hya Ludivico