Hindi na kailangan pa ng special ID ng mga essentials workers para sa unified curfew hours sa Metro Manila.
Ito ang sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos sa pagsisimula ng pagpapatupad ng curfew hours na pinagkasunduan ng Metro Manila Council.
Ayon kay Abalos, sapat na ang company ID na ipakita sakaling sitahin ng mga awtoridad para patunayan ang oras ng trabaho.
Hindi na kailangan aniya ng kung anomang klase ng pass para patunayan na kailangan nitong pumasok o kakauwi lang galing trabaho.
Iiral ang uniform curfew hours sa Metro Manila simula sa ika-15 ng Marso hanggang katapusan ng buwan upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng COVID-19.