Magpapatupad ng ID system ang gobyerno sa evacuees na babalik sa kanilang mga tahanan sa Marawi City.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines o AFP Spokesman Major General Restituto Padilla, ito ay para ang mga lehitimong mga taga – Marawi lamang ang makapasok sa syudad at maiwasan na muling mahaluan ng mga terorista.
Aniya, dumadaan na sa authorization at verification ang residente bago tuluyang isyuhan ng ID na siya namang magiging daan para sa kanilang mga tatanggapin na benepisyo.
Binigyang – diin ni Padilla na walang nilalabag dito ang gobyerno at suportado rin ng lokal na pamahalaan.
Gagamiting ID dito ay ‘yung Philhealth card para na rin sa mga karagdagang serbisyo para sa mga mamamayan at ito ang mag o-authenticate sa kanila.
So, kapag hindi po sila na-isyuhan dahil sa anumang kadahilanan, nangangahulugan lang na ‘di sila talagang residente dyan kaya’t hindi sila mapapasama doon sa benepisyo.
At, isa pa, malalaman natin kung sino dito ‘yung taga-labas at taga-loob.