Magpapatupad ang Department of Interior and Local Government ng ID system sa isla ng Boracay.
Ito ay bahagi ng paunang panuntunan ng ahensya oras na isailalim na sa rehabilitasyon ang Boracay simula sa Abril 26.
Ayon kay DILG Assistant Secretary Epimaco Densing, dapat ipakita ng mga residente ang ibibigay sa kanilang identification card na nagsasaad ng kanilang tirahan sa Boracay upang makalabas-masok ang mga ito sa isla.
Layon nito na mapigilan ang pagpasok ng mga turista maging ng mga bisita ng mga residente ng isla.
BASAHIN: https://www.dwiz882am.com/index.php/boracay-closure-guidelines-inilatag-na-ng-dot/