Karagdagang 200 traffic constables ang ide-deploy ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino ngayong araw.
Ito ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ay bilang paghahanda sa posibleng thunderstorms lalo sa hapon na maaaring makaapekto sa mga aktibidad na may kaugnayan sa SONA.
Maaari aniyang magdulot ng hanggang baywang na baha ang biglang buhos ng ulan lalo sa Sucat, Parañaque at ilang bahagi ng Maynila at Quezon City.
Inabisuhan din ni Tolentino ang mga motorista na gamitin ang mga alternatibong ruta lalo ang mga kalsadang malapit sa Batasan Pambansa tulad ng Commonwealth at Congressional Avenues sa Quezon City kung saan idaraos ang huling ulat sa bayan.
Bukod sa 1,500 MMDA personnel, nasa 7,000 pulis ang ipakakalat upang panatilihin ang peace and order at magbigay seguridad sa tinatayang 3,000 guest na inaasahang darating Batasan, mamayang hapon.
By Drew Nacino