Hinimok ng isang legal group ang COMELEC na palawigin pa ang registration period para ma-accommodate ang 13-M pang indibidwal na hindi pa nakakapagpa rehistro bunsod ng lockdown restrictions.
Ayon sa grupong Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS), napakarami pang hindi nakakapag parehistro at kung hindi mapapalawig ang registration deadline, tiyak na makaka-apekto ito sa bilang ng maaaring bumoto sa darating na halalan.
Kasabay nito, hinimok ng grupo na makipagtulungan ang COMELEC sa academe para makapagbukas pa ng karagdagang ng satellite registrations.
Batay sa Philippine Statistics Authority, mayroong 73-M voters ang kwalipikadong bumoto para sa darating na 2022 Elections. Sa ngayon ay merong 60-M voters ang nakapag parehistro na.