Idineklara ng Malakanyang na Holiday ang September 12 Sa Ilocos Norte.
Ito ay bilang pagbibigay-daan sa anibersaryo ng kapanganakan ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Sa Proclamation 53 na nilagdaan ni Executive Secretary Victor Rodriguez, bibigyang oportunidad ang mga residente sa Ilocos Norte na ipagdiwang ang okasyon sa pamamagitan ng mga programa.
Linggo natapat ang birthday ni Marcos Sr., pero Lunes, Setyembre 12 ang ginawang holiday para maging mahaba ang panahon ng pagdiriwang.
Kahapon pa nagsimula ang programa sa lalawigan sa pamamagitan ng Bongbong Marcos Cup 2022, na isang Practical Shooting Competition na ginanap sa Plaza Del Norte sa Balacad, Laoag City.