Walang epekto sa ekonomiya ang idineklarang martial law sa Mindanao ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, layon lamang ng martial law protektahan ang mga inosente, komersyo at tanggalin ang anumang banta sa komunidad.
Ang pina-igting aniyang seguridad ay lalo lamang magtitiyak na ligtas ang mga negosyo at imprastraktura sa bansa.
Maliban dito, binigyang diin pa ni Dominguez na kontrolado ng militar ang kasalukuyang sitwasyon sa Mindanao.
Takbo ng negosyo sa Davao City tiniyak na normal pa
Tiniyak ng ANFLOCOR o Anflo Management and Investment Corporation na normal ang takbo ng negosyo sa Davao City.
Ayon kay ANFLOCOR Chairman Anthony Sasin, nasanay na ang mga taga-Davao sa pagkakaroon ng checkpoints at deklarasyon ng red alert status.
Gayunman, sinabi ni Sasin na ang hinihingi lamang na commitment ng kanilang mga kliyente ay ang katiyakan na mai-deliver ang kanilang mga produkto sa takdang panahon.
By Ralph Obina / Meann Tanbio