Nilinaw ng Pangulo na hindi na ito nangangailangan pa ng dagdag na kapangyarihan para sugpuin ang banta ng terorismo matapos ang nangyaring pagpapasabog sa Davao City na ikinasawi ng 14 katao.
Ayon sa Pangulo, sapat na ang idineklara niyang state of lawlessness sa bansa para muling ibalik sa ayos ang lahat lalo na ang isyu ng seguridad ng bansa.
Binigyang diin ng pangulo na ang dagdag na kapangyarihan na maaaring ibigay sa kanya ay posible aniyang magdulot lamang ng pangamba sa publiko.
Para naman sa mga kumukwestyon sa idineklara niyang state of lawlessness, nariyan naman aniya ang Korte Suprema para hainan ng reklamo.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Samantala, pinayuhan naman ng Pangulong Duterte ang mga pasahero sa paliparan na agahan ang pagdating dahil sa asahan aniya ang mas maraming inspeksyon.
Bahgai ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Ralph Obina