Iginiit ng Sultanate of Sulu na walang naganap na malawakang konsultasyon kaugnay sa panukalang BBL o Bangsamoro Basic Law.
Ayon kay Abraham Idjirani, Spokesman ng Sultanato, hindi natuloy ang pinasok nilang kasunduan sa OPAPP o Office of the Presidential Adviser on the Peace Process para kunsultahin ang mga residente sa Sulu hinggil sa BBL.
Sariling pera pa aniya ng Sultanato ng Sulu ang ginastos para sa pagkakasa ng konsultasyon.
“Itinakda ang panahon at yun ay pupuntahan nila ngayon eh walang nangyari, at ang ginastos pa, ang ginawa ng Sultanato ng Sulu ay sariling pera niya ang ginamit sa kahilingan niyang makamtan ang kapayapaan, para magkaroon ng ganung konsultasyon.” Pahayag ni Idjirani.
By Judith Larino | Balitang Todong Lakas