Sinuman ang i-endorso ni Pangulong Noynoy Aquino ay malakas pa rin ang tiyansa sa 2016 presidential elections.
Ito ang ipinagmalaki ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda bunsod na rin ng pag-angat ng satisfaction ratings ng punong ehekutibo.
Ayon kay Lacierda, pinatutunayan sa survey na malakas pa rin ang endorsement power ni Pangulong Aquino sa halalang pampanguluhan sa susunod na taon.
Aniya, ang naturang survey ay patunay din na hindi lameduck president si Aquino sa kanyang huling taon sa termino.
By Jelbert Perdez