Mariing itinanggi ng Militar na galing sa kanila ang improvised explosive device na nakuha sa tangkang pagpapasabog sa US Embassy.
Kasunod ito ng pahayag ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa na posibleng sa militar na nakuha ng mga suspek ang IED makaraang hindi sumabog nang gamitin sa sagupaan sa Mindanao.
Ayon kay AFP Chief of Staff Lt. General Eduardo Año, maraming paraan ang teroristang grupo upang makakuha ng mortar para maiugnay ito sa military.
Una nang tiniyak ni Año na hindi nila hahayaan na makapaghasik ng karahasan ang teroristang grupo kaya puspusan pa rin ang kanilang mga isinasagawang military operasyon laban sa mga ito.
By: Rianne Briones / Jonathan Andal