Nangako ng COVID-19 vaccine ang International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies dahil sa pangambang puro mayayamang bansa lamang ang makabili ng supply ng bakuna.
Ayon kay IFRC Secretary General Jagan Chapagain nakakabahala ang tila hindi pantay na pamamahagi ng COVID-19 vaccines dahil kawawa ang mga mahihirap na bansa na limitado lamang ang mabibiling bakuna.
Target ng Geneva based institution na maglaan ng 100 million Swiss francs o mahigit P5-M para mabigyan ng bakuna ang 500-M katao at nakikipag-ugnayan na sila sa mahigit 60 bansa na maaari nilang mabigyan ng bakuna.
Ipinabatid ni Chapagain na halos 70% ng mga nabakunahang populasyon sa ngayon ay mula sa 50 pinakamayayamang bansa samantalang wala pang 1% ang nade-deploy sa 50 pinakamahihirap namang bansa.
Kasabay nito nanawagan si Chapagain sa mayayamang bansa na mamigay ng bakuna kapag nakapagbigay na ang mga ito ng bakuna sa mga nangangailangang sektor.