Kabilang ang Alkalde ng bayan ng Igbaras sa 37 bagong tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ng Iloilo.
Sa isang social media post, sinabi ni Igbaras Mayor Jaime Esmeralda na hindi muna niya magagampanan ang kanyang tungkulin dahil sa kanyang sitwasyon.
Mula pa noong nakaraang linggo ay naka-home quarantine na ang Alkalde dahil sa nararanasan nitong mild symptoms.
Sa ngayon ay si Vice Mayor Vicente Esorpion Jr. ang magsisislbing acting mayor hanggang sa siya’y makarekober na sa sakit.
Kabilang rin sa mga nagpositibo sa virus ang dalawang town councilors, walong tauhan ng Igbaras rural health unit, at iba pang mula iba’t ibang departamento.
Isinara naman ang Igbaras Municipal hall para sa disinfection.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico