Ikinalugod ng gobyerno ang iginawad na US Congressional Gold Medal ng Estados Unidos sa mga Filipino World War 2 veteran.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang parangal na ng US government ay patunay na hindi matatawaran ang kabayanihan at sakripisyo ng mga beteranong Pinoy para ipaglaban ang kalayaan ng bansa sa mga Hapones.
Isa aniya itong positive development na nangangahulugang patuloy na lumalakas ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika.
Hinimok naman ni Abella ang publiko maging ang mga kabataan na bigyang respeto at pagpupugay ang mga beteranong Pilipino na lumaban para sa bayan noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Umaasa aniya ang pamahalaan na magsisilbing paalala sa lahat ng mga kawani ng gobyerno ang naturang parangal upang lalong pagbutihin nang may buong katapatan ang kanilang pagseserbisyo para sa mga Filipino.