Isinusulong ng PAO o Public Attorney’s Office na ihiwalay ng detention cell ang mga mahuhuling tambay.
Ayon kay Pao Chief Presida Acosta, hindi dapat isama sa mga kriminal ang mga mahuhuling umiinom, naninigarilyo o kaya ay naka – istambay sa mga pampublikong lugar.
Inihalimbawa ni Acosta ang kaso ni Genesis “ Tisoy” Argoncillo na napatay sa loob ng kulungan matapos na pagtulungang bugbugin ng dalawang miyembro ng Sputnik gang.
Posible aniyang naiwasan ang sinapit ni Argoncillo kung hinsi isinama sa kulungan ng mga kriminal.
Paalala ni Acosta, dapat na maging maingat ang mga pulis sa pagsita sa mga pinaniniwalaang tambay at tiyakin na mapapangalagaan ang karapatan ng mga inaaresto.