Tinawag na malaking turn off ng isang think tank group ang pagturing ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang malalaking negosyo bilang oligarchs.
Ayon kay Sonny Africa, executive director ng IBON Foundation maaaring mag- alangan ang local o foreign investors na mag invest sa bansa dahil sa tila arbitrariness o hindi makatuwirang pagturing ng pangulo sa mga negosyante.
Bukod dito sinabi ni Africa na maaaring na turn off din ang mga negosyante sa kawalan ng kumprehensibong recovery plan ng gobyerno para tugunan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic lalo pa’t maliit, kakaunti at huling huli na ang pag responde ng gobyerno sa pagsalba sa ekonomiya sa pagkakataong ito.
Masyado aniyang maliit ang inilaang pondo ng gobyerno sa laban ng Pilipinas sa COVID-19 kumpara sa mga kapitbahay na bansa sa Southeast Asia.