Idaraos sa Libingan ng mga Bayani ang ika-isandaang taong kaarawan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Lunes, Setyembre 11.
Nakasaad sa ipinadalang imbitasyon ng pamilya Marcos ang idaraos na misa sa Libingan ng mga Bayani ay magaganap ng 9:30 ng umaga na susundan ng isang maikling programa at tanghalian.
Ang imbitasyon ay ipinamudmod ng pamilya Marcos sa mga Kongresista.
Matatandaang idineklara ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Setyembre 11, araw ng Lunes bilang special non- working holiday sa Ilocos Norte.
Nakasaad sa Proclamation 310 na ginawang holiday ang Setyembre 11 para mabigyan ng pagkakataon ang mga Ilokano na ipagdiwang ang kapanganakan ng dating Pangulong Marcos at mga naging kontribusyon nito sa bansa bilang beterano ng world war, dating mambabatas at dating Pangulo.