Ipagdiriwang ngayong taon ang ika-isandaang taon ng pelikulang Pilipino.
Dahil dito ay magiging mas kaabang-abang ang mga programa ng FDCP o Film Development Council of the Philippines para sa pagdiriwang ng sentenaryo ng Philippine Cinema.
Sinabi ni FDCP chairperson Liza Diño na ang ikatlong pista ng Pelikulang Pilipino na pangunahing programa ng ahensya ang magsisilbing pinaka-opisyal na selebrasyon nito na ilulunsad sa Setyembre 11-17, 2019.
Magugunitang nilagdaan ng pangulo noong nobyembre ng nakaraang taon ang Proclamation Number 622 na idinideklarang centennial year ng phIlippine Cinema ang September 12, 2019 hanggang September 11 ng susunod na taon.