Sumampa na 102 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police o PNP.
Batay sa datos ng PNP Health Service, ang ika-102 nasawi ay isang 34 anyos na Police Staff Sergeant na nakatalaga sa National Support Unit.
Sa kabuuan ay sumampa na sa 33,826 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa PNP makaraang madagdagan ito ng 136 na bagong kaso kung saan ay 1,750 rito ang aktibo.
Nakapagtala naman ang PNP ng 172 na bagong gumaling sa sakit kaya’t sumampa naman na sa 31,974 ang kanilang total recoveries.
Samantala, pumalo naman na sa 93,725 ang bakunado na kontra COVID-19 sa hanay ng PNP o katumbas ng mahigit 42%.
Habang nasa 104,562 naman ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna o katumbas ng mahigit 47% sa hanay ng Pulisya.— ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol