Pangungunahan ng Pangulong Noynoy Aquino sa Iloilo City ang mga aktibidad kaugnay sa pagdiriwang ng ika-117 Anibersaryo ng Kalayaan ng bansa.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, gagawin ang mga aktibidad sa bayan ng Sta. Barbara sa Iloilo kung saan itinaas ang bandila ng Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon sa labas ng Luzon noong November 17, 1898.
Sinabi ni Valte na itinaas sa Sta. Barbara Town ang bandila matapos ang inagurasyon ng revolutionary government sa Visayas at naging base na ng revolution forces ang nasabing bayan.
Ang flag raising sa Sta. Barbara ay kauna-unahang major engagement ni PNoy sa Iloilo at kung saan siya magbibigay ng talumpati.
Dadaan muna ang Pangulo sa simbahan sa Molo District bago tumulak sa old provincial capitol para sa Vin d Honneur alas-10:00 ng umaga sa Biyernes.
By Judith Larino