Ginunita sa Eastern Samar ang ika-isandaan at labimpitong taong anibersaryo ng Balangiga massacre kahapon.
Pinangunahan ni Eastern Samar Representative Ben Evardone ang seremonya na dinaluhan ng mga residente.
Ayon kay Municipal Tourism Fe Campanero, hindi lang para sa mga taga Balangiga ang selebrayon kundi para sa lahat ng mga Pilipino kung matutuloy ang pagbalik ng tatlong makasaysayang kampana sa Pilipinas.
Magugunitang ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika ang pagbalik ng Balangiga bells sa bansa.
Ang naturang mga kampana ay ginamit na sensyales ng pagsalakay ng mga gerilya sa pangunguna ni Kapitan Abanador laban sa sundalong Amerikano.
BASAHIN: https://www.dwiz882am.com/index.php/balangiga-bells-bakit-ito-mahalaga-sa-mga-sundalong-kano/