Inaasahang dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte bilang guest of honor at speaker sa ika-120 founding anniversary ng Philippine Navy, ngayong araw.
Ayon kay Navy Spokesman, capt. Lued Lincuna,gaganapin ang pagdaraos ng anibersaryo sa Coconut Palace, Cultural Center of the Philippines Complex, Pasay City, alas 2:00 ng hapon.
Tema umano ng anibersaryo ngayong taon ay “Protecting the Seas, Securing our Future”.
Tampok naman sa mga aktibidad ng anibersaryo ay ang fleet review ng mga navy vessel tulad ng bagong multi-purpose attack craft na inarmasan ng mga missile, fly by ng naval air assets at capability demonstration ng amphibious operations.