Ipinagdiriwang ngayong araw ang ika – 125 anibersaryo ng pagkakatatag ng Philippine National Railways o PNR.
Naging panauhing pandangal sa nasabing okasyon si Transportation Secretary Arthur Tugade.
Sa kanyang talumpati, hiniling ni Tugade sa PNR na madaliin ang mga rail projects ng ahensya para mas mabilis na mapakinabangan ng mga pasahero.
Maliban kay Tugade, dumalo din sina PNR Board of Director Chairman Roberto Lastimoso; PNR General Manager Jun Magno at iba pang mga ospisyal.
Pinagkalooban naman ng ‘Comrade Awards’ ang ilang opisyal ng pamahalaan at pribadong indibidwal bilang bahagi ng selebrasyon.