Ipinagdiriwang kahapon ang ika-125 National Flag Day.
Ito’y bilang paggunita sa mahalagang milestone ng kasaysayan ng bansa at malaman ang kahulugan at simbolismo na bumubuo sa watawat ng Pilipinas, kung saan bilang pagdiriwang itinaas ang watawat ng bansa sa Heritage Park sa Imus, Cavite.
Nabatid na ang watawat ng Pilipinas ay iniladlad sa unang pagkakataon sa Teatro Caviteño sa Cavite City matapos manalo ang mga Rebolusyonaryong Pilipino sa labanan sa Alapan noong Mayo 28, 1898.