Hinikayat ni Senate Committtee on Health Chairman Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ang mga pampublikong ospital na gamitin ng tama ang kanilang pondo.
Ito ang binigyang diin ng Senador makaraang pangunahan niya ang pagbubukas ng ika-128 Malasakit Center sa Lianga District Hospital sa Surigao del Sur.
Ayon sa Senador, malaking bagay ang pagkakaroon ng mga Malasakit Centers na layuning tulungan ang mga mahihirap na Pilipino na mapababa ang kanilang bayarin sa mga ospital sa sandaling sila’y magkasakit.
Ito na ang ika-apat na Malasakit Center na binuksan sa rehiyon ng CARAGA matapos pasinayaan ang kanilang mga tanggapan sa Siargao Island Medical Center, Caraga Regional Hospital sa Surigao City, Surigao del Norte at Butuan Medical Center sa Butuan City, Agusan del Norte.
Samantala, tiniyak naman ni Go na minamadali na ng pamahalaan ang pamamahagi ng bakuna kontra COVID-19 sa buong bansa upang makamit na ang tinatawag na herd immunity mula sa nakamamatay na virus.