Ginugunita ngayong araw ang ika-13 taong anibersaryo ng Maguindanao massacre.
Ito ang itinuturing na pinakamalalang kaso ng election-related violence sa Pilipinas, kung saan 58 katao ang pinatay kabilang ang 32 kagawad ng midya.
Noong Nobyembre 23, 2009, naganap ang makasaysayang pagpatay, kung saan hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ang labi ng photo journalist na si Reynaldo Momay, posibleng ika-58 biktima ng massacre.
Samantala, bilang paggunita sa anibersaryo ng Maguindanao massacre ay magsasagawa ng aktibidad ngayong araw sa Forest Lake Cemetery sa General Santos City, habang ang pamilya Mangudadatu ay babalik sa Massacre Site sa Sitio Masalay Ampatuan, Maguindanao.