Pinangunahan nina Senadora Grace Poe at ng kanyang ina na si Susan Roces ang paggunita sa ika – 13 anibersaryo ng pagkamatay ni “Da King” Fernando Poe Jr.
Kasama ang ilang malalapit na kamag – anak at mga kaibigan ng yumaong aktor, isang misa ang kanilang ginanap sa mausoleo ni Da King sa Manila North Cemetery.
Sinundan naman ng gift giving activity ang naturang misa.
Si FPJ o Ronald Allan Kelley Poe sa totoong buhay, ay nasawi matapos ma – stroke noong Disyembre 14, 2004 sa edad na 65.