Pinangunahan ni US President Barack Obama ang paggunita sa ika-15 anibersaryo ng September 11 terror attack sa Amerika.
Anim na sandali ng katahimikan ang isinagawa sa New York City para alalahanin ang apat na hinay-jacked na eroplano na nag-crashed at ang pagbagsak ng dalawang gusali ng World Trade Center.
Dumalo rin sa seremonya sina Presidential Candidate Donald Trump at Hillary Clinton.
Sa kanyang weekly address isang araw bago ang anibersaryo ng 9/11 attack, nagpasalamat si outgoing President Barack Obama sa mga tinawag niyang “first responders” na nagsugal ng buhay para lamang masalba ang mga biktima sa nasabing trahedya.
Ayon kay Obama, hindi nagbago ang “core values” ng bawat Amerikano magmula nang naganap ang trahedya na kumitil sa halos 3,000 katao.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: AP