Inaalala at ipinagdiwang ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila ang ika-161 kaarawan ng pambansang bayani ng bansa na si Dr. Jose Rizal sa kaniyang bantayog sa Rizal Park.
Pinangunahan ni Vice Mayor Honey Lacuna ang seremonya na dinaluhan ng iba’t ibang personalidad, organisasyon at ilang kaanak ni Rizal.
Dito, nagsagawa sila ng wreath-laying ceremony at nag-alay ng mga bulaklak sa kaniyang monumento.
Ayon kay Crusaders for the Upliftment of our Faith Expedito Laurente Gonzales, karapatan ng bawat Pilipino na alalahanin at pahalagahan ang pagbuwis ng dugo at buhay ng ating mga bayani sa pangunguna ni Dr. Jose Rizal.
Isinilang si Rizal sa June 19, 1861 sa Calamba, Laguna at nasawi noong December 30, 1896 matapos barilin ng firing squad noong panahon ng Espanyol.