Gugunitain sa Estados Unidos ang ika-labingpitong anibersaryo ng Setyembre 11 terrorist attacks kung saan nasa 3,000 ang nasawi.
Dadaluhan ni US President Donald Trump ang seremonya sa 9/11 Memorial sa Shanksville, Pennsylvania malapit sa lugar kung saan bumagsak ang United Airlines Flight 93.
Magdaraos din ng special services ang US Defense Department sa Pentagon para sa mga pamilya ng mga biktima.
Daan-daang survivor at pamilya rin ng mga biktima ang magtitipon sa Ground Zero sa New York City kung saan dating nakatayo ang Twin Towers ng World Trade Center.
Magugunitang nag-crash sa mga nabanggit na lugar ang apat na eroplanong hinayjack ng 16 na miyembro ng Al-Qaeda dahilan upang magdeklara ng digmaan ang Amerika at sakupin ang Afghanistan dahil sa pagkakanlong ng mga teroristang grupo.
—-