Inihain ng women’s group na Gabriela sa Korte Suprema ang ika-19 petisyon laban sa Anti-Terrorism Act of 2020.
Sa 73 pahina ng petisyon, hiniling ng Gabriela ang pagpapatigil sa implementasyon ng Anti-Terror Law gayundin ang tuluyang na pagpapawalang bisa rito.
Iginiit ng Gabriela, malabo ang isinasaad na kahulugan ng terorismo sa nabanggit na batas bunsod na rin ng ganap na kawalan nito ng maliwanag na parametro o guidelines.
Dagdag ng grupo, magdudulot din aniya ito ng chilling effect o paghina sa karapatan para sa malayang pagsama o pakikibahagi sa isang grupo.
Sinabi pa ng Gabriela, mismong sila ay nakararanas na ng direkta at kapansin-pansing pinsala mula sa mga ahensiyang bumubuo sa Anti-Terrorism Council dahil sa malisyoso at hindi makatuwirang pag-red tagged sa kanilang grupo bilang terosita o komunista.