Nakarating na sa bansa ang karagdagang 38,400 suplay ng bakuna laban sa COVID-19 na likha ng manufacturer na AstraZeneca mula sa Amsterdam.
Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang ikalawang batch ng naturang bakuna na donasyon mula sa COVAX facility bandang 6:43 ng gabi ngayong ika-7 ng Marso.
Agad namang sinalubong nina Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, testing Czar Vince Dizon at MIAA General Manager Ed Monreal ang paglapag sa paliparan ng bansa ang mga bakuna kasama ang representative ng WHO at UNESCO.
Sa kabuuan, meron ng 1.1 milyong doses ng bakuna ang bansa na nakalaan para sa mga health care workers.—sa panulat ni Agustina Nolasco