Nag-landfall na sa Burdeos sa Quezon ang bagyong ulysses dakong 11:20 ng Miyerkules ng gabi.
Ayon sa PAGASA, ito na ang ika-2 landfall ng bagyo makaraang mag-landfall ito sa Patnanungan sa Quezon.
Sa forecast track ng pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 70 km east ng Infanta, Quezon. May maximum sustained winds na 150 km/h malapit sa sentro at may bugsong aabot sa 205 km/h, kumikilos ang bagyong Ulysses pa-West-Northwest sa bilis na 15 km/h.
Sa inilabas na bulletin ng weather bureau, nakataas ang tropical cyclone wind signal # 3 sa mga sumusunod na lugar:
Sa southern portion ng Quirino at Nueva Vizcaya, Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Northern at Central portions ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Batangas, Catanduanes, Camarines Norte, at Northern portion ng Camarines Sur.
Tropical cyclone wind signal #2, sa nalalabing bahagi ng Quezon, Quirino at Nueva Vizcaya, Southern Portion ng Benguet at La Union, Marinduque, Northern Portion ng Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island, Northern portion ng Oriental Mindoro, nalalabing bahagi ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Burias at Ticao Islands.
Habang nakasailalim naman sa tropical cyclone wind signal #1 sa Isabela, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, nalalabing bahagi ng Benguet, Abra, Ilocos Sur, nalalabing bahagi ng La Union, nalalabing bahagi ng Occidental at Oriental Mindoro, Romblon, nalalabing bahagi ng Masbate, Northern Samar, Northern Portion ng Samar, Northern portion ng Eastern Samar.