Ipinagdiwang ng Aliw Broadcasting Corporation ang ika-27 taong anibersaryo ng kumpanya na ginanap sa head office ng A.B.C. sa Pasig City.
Alas 11:00 ng umaga nang simulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng isang misang pinangunahan ni Father Hanz Magdurulang ng San Felipe Neri Parish.
Matapos nito ay nagbigay ng talumpati si Aliw Broadcasting Chairman at Chief Executive Officer Edgard Cabangon.
Pinangunahan naman ni A.B.C. General-Manager Randy Cabangon ang pagbibigay parangal sa 2018 Service Awardees mula sa head office hanggang sa provincial operations.
Kabilang sa mga tumanggap ng parangal sina A.B.C. Executive Vice President at DWIZ Program Director Eladio “ely” Aligora na nagsilbi sa loob ng 25 taon.
Dumalo rin sa selebrasyon ang ilang anchor at host ng mga programa sa DWIZ tulad nina dating Bulacan Governor Obet Pagdanganan ng Galing Mo Pinoy, Ganda Mo Pinas; Atty. Trixie Angeles ng Karambola at Ka Freddie Aguilar ng Pusong Pinoy.
Taong 1991 nang itatag ang Aliw Broadcasting Corporation bilang pangunahing major commercial broadcasting organizations sa bansa.
Sa kasalukuyan ay 12 radio stations ang pinangangasiwaan ng ABC kabilang sa pangunguna ng DWIZ 882 na flagship A.M. Station at Home Radio 97.9 bilang flagship F.M. Station.