Inatasan ng pamahaalan ng Britanya ang mamamayan nitong manatili sa bahay kasabay ng pagsisimula ng ikatlong national lockdown dito nitong martes.
Inanunsyo ni Prime Minister Boris Johnson ang bagong lockdown nito lamang lunes matapos sumipa ang kaso ng bagong COVID-19 variant sa loob lamang ng 21 araw .
Naglaan naman ng $6.2-B business grants si Finance Minister Rishi Sunak na siyang susuporta sa pagpapanatili ng estado ng ekonomiya nito hanggang sa dahan-dahang marelax ang estado ng quarantine sa Britanya—sa panulat ni Agustina Nolasco