Isang grupo ng mga pari, madre at mga abogado ang ika-30 petitioner laban sa Anti-Terrorism Law.
Gamit ang kanilang right to freedom of religious expression, inihain ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines sa Korte Suprema ang petisyon para ideklarang unconstitutional ang ilang bahagi ng Anti-Terror Law.
Ikinatwiran ng grupo sa kanilang petisyon na kumokontra ang batas sa social doctrine ng Simbahang Katolika.
Tinukoy sa petisyon ang mga turo ng turo ng Catholic church na irespeto ang dignidad ng isang tao bilang imahe ng panginoon, karapatan para sa patas na proteksyon, paggalang sa due process at karapatan ng bawat isa sa batas.
Dati na ring lumaban sa martial law ang AMRSP at nagpapatuloy sa pagpapalaganap ng social justice sa kasalukuyan.