Ginunita ng bansa ang ika-36 na anibersaryo ng 1986 Edsa People Power Revolution na may temang, “Edsa 2022: Pagtulungan Tungo sa Sama-Samang Pagbangon mula sa Pandemya Ngayong Araw.
Pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang flag-raising at wreath-laying rites sa Edsa People Power Monument sa Quezon City kaninang alas-otso ng umaga.
Kasama rin niya sa seremonya sina Quezon City Mayor Maria Josefina “Joy” Belmonte, NHCP at Edsa People Power Commission Chair Escalante, Spirit of Edsa Foundation, Incorporated Commissioner Chris Carrion, Generak Antonio Sotelo at Chino Roces Foundation Consul-General Fernando Peña.
Ayon sa organizers, 5,000 indibidwal ang pinahintulutang dumalo sa programa kaninang alas-9 hanggang alas-11 na pinangunahan ng academics, teachers, education workers at martial law veterans na ide-debunk umano ang martial law myths.
Sinabi naman ng MMDA na suspendidio ang number coding scheme ngayong araw at walang road closure ngunit nagbukas ang ahensya ng zipper lane sa may tapat ng Corinthian Village Gate 3. —sa panulat ni Airiam Sancho