Aarangkada na ngayong araw, Marso a-10 ang ika-apat na bugso ng malawakang National COVID-19 Vaccination drive ng pamahalaan.
Target ng nasabing programa na mabakunahan ang nasa 1.8M indibidwal na sakop ang edad 12 pataas at tatagal sa loob ng tatlong araw.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 Vice Chairman at Interior Sec. Eduardo Año, bukod sa mga paaralan, gym, at malls, ibababa na rin ang pagbabakuna sa mga barangay, klinika, lugar ng pinagta-trabahuhan.
Sa ilalim ng Alert level 1, magkakaroon ng Vaccination Teams na magbabahay-bahay at tututok sa mga hindi pa bakunadong residente sa Metro Manila.
Kasama sa mga tututukan sa National Vaccination days ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Region 7, Region 12, at Region 13. —sa panulat ni Angelica Doctolero