Sinabi ni Vaccine Expert Panel Dr. Rontgene Solante na hindi na umano kailangan ng publiko ang ika-4 na dose ng COVID-19 vaccine matapos maturukan ng boosters.
Ayon kay Solante, matagal na panahon pa ang ilalaan upang mapatunayang nakakatulong ang ika-apat na bakuna laban sa nakahahawang sakit.
Sinabi ni Solante na dapat ay ilaan na lamang ang ika-4 na bakuna sa mga severely immunocompromised population kung saan, ang naturang bakuna ay maaaring hindi kasinghusay kumpara sa general population.
Dagdag pa ni Solante na ang pagbabakuna ay nagpapatunay lamang na kaya nitong maprotektahan ang katawan ng isang tao laban sa matinding impeksiyon na dala ng COVID-19. —sa panulat ni Angelica Doctolero