Asahan na bukas, Martes, ang ika-apat na sunod na linggong taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo ngayong buwan ng Enero.
Ayon sa mga kumpaniya ng langis, maglalaro sa P1.50 hanggang P1.60 ang dagdag-singil sa kada litro ng Gasolina; maaari namang tumaas ng P1.80 hanggang P1.90 ang kada litro ng Diesel.
Samantala, nasa P1.60 hanggang P1.70 naman ang itataas sa presyo ng kada litro ng Kerosene.
Ito ay bunsod ng kakulangan sa suplay ng langis sa gitna ng gulo sa Russia at Middle East kung saan, ilang mga analyst na rin ang nagsasabing maaaring pumalo sa $100 ang presyo sa kada barrel ng krudo sa mga susunod na buwan kaya posibleng magtuloy-tuloy pa ang oil price hike. —sa panulat ni Angelica Doctolero