Pangkalahatang naging mapayapa ang ika-apat na SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang naging pagtaya ng PNP o Philippine National Police kasunod na rin ng idinaos na kilos protesta ng mga taga suporta at kritiko ng pangulo kasabay ng SONA nito.
Ayon kay NCRPO Director Police Major General Guillermo Eleazar, naging mabunga ang kanilang itinanim na magandang ugnayan sa hanay ng mga militanteng grupo at iba’t ibang civil society group.
Aniya, nakuha na nila ang mabisang paraan para hindi humantong sa karahasan, gitgitan at balyahan ang taunang kilos protesta ng mga militante kasabay ng SONA ng pangulo.
Gayunman, aminado si Eleazar na kung mayroon man silang kinakailangang ayusin sa susunod na SONA, ito aniya ang trapiko partikular sa kahabaan ng Commonwealth Area.
(with report from Jaymark Dagala)