Epektibo na ngayong araw ang ika-apat na sunod na linggong taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis, ipatutupad ang P1. 65 centavos na dagdag-singil sa presyo sa kada litro ng diesel; nasa P.50 centavos naman ang taas-singil sa presyo ng kada litro ng gasolina; at P.10 centavos naman ang magiging singil sa kada litro ng kerosene.
Una nang nagpatupad ng taas-singil sa presyo ng langis kaninang alas-12 ng madaling araw ang kumpaniyang Caltex habang kaninang alas-6 ng umaga naman nagpatupad ng taas-singil sa presyo ng langis ang kumpaniyang Pilipinas Shell at Seaoil.
Samantala, magpapatupad din ng kaparehong presyo ang Cleanfuel mamayang alas-8 ng umaga.
Sa datos ng Department of Energy (DOE) noong Hunyo a-21, ang year-to-date adjustments stand at net increase sa produktong petrolyo ay pumalo na sa P29. 50 centavos sa kada litro ng gasolina; P44. 25 centavos sa kada litro ng diesel; habang P39. 65 cenatavos naman sa kada litro ng kerosene.