Pinangunahan ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang pagdiriwang ng ika-442 anibersaryo ng pagkakatatag sa Maynila bilang isang Diyosesis.
Dumalo sa misa si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown gayundin ang mga Alkalde na nasa ilalim ng Archdiocese of Manila.
Kabilang dito sina Manila Mayor Isko Moreno, San Juan Mayor Francis Zamora, Makati Mayor Abigail Binay at Mandaluyong Mayor Menchie Abalos.
Sa kaniyang homiliya sa misang isinagawa sa Manila Cathedral, sinabi ni Pabillo na dapat lumabas ang mga mananampalataya sa kanilang comfort zone upang maibahagi ang kanilang pananalig.
Kasabay nito, inilunsad na rin ang opisyal na hymno para sa ika-500 anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas na may titulong “we give our yes”.