Gugunitain ng gobyerno bukas, Setyembre 21 ang ika-43 anibersaryo ng martial law o batas militar.
Ang martial law ang maituturing na isa sa pinaka-madilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, nakikiisa ang Palasyo sa paggunita ng sambayanan at pagkilala sa sakripisyo at pagpapakasakit ng mga biktima ng batas militar.
Marami aniya ang nagbuwis ng buhay upang ipaglaban ang karapatang pantao matapos gibain ng diktadurya ang kalayaan at demokrasya sa Pilipinas.
Sinabi ni Coloma na mahalagang ituro at ipaunawa sa mga kabataan ang mga leksiyong natutunan sa martial law at himukin silang tularan ang determinasyon na itaguyod ang nakamit na demokrasya para sa susunod na henerasyon.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)