Ginugunita ng mga Martial Law victim ang ika-44 na anibersaryo ng Batas Militar.
Kaliwa’t kanang demonstrasyon ang ilalatag ng mga biktima maging ng mga Anti-Marcos Group ngayong araw.
Matatandaang idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Martial Law noong 1972.
Nagsanib ang ilang pwersa upang kastiguhin si Marcos sa mata ng publiko.
Nagsama-sama rin ang pamilya Lopez ng ABS-CBN at diyaryong Manila Chronicle, ang mga Roces ng Associated Broadcasting Corp. at diyaryong Manila Times, at ang editor ng Philippines Free Press na si Teodoro Locsin Sr.
Kasama rin ang mga pulitikong tulad nina Senador Benigno “Ninoy” Aquino at Jose “Pepe” Diokno.
Ayon sa mga iskolar na nagsagawa ng pag-aaral sa batas militar sa panahon ni Marcos, may tatlong pangyayari na nagpasama sa sitwasyon at nagbigay kaganapan sa Martial law.
Una, ang naganap na marahas na demonstrasyon noong Pebrero, 1971 kung saan binarikadahan ng mga makakaliwang organisasyon ng estudyante ang kabuuan ng Unibersidad ng Pilipinas sa Quezon City at itinayo ang tinawag na “Diliman Commune.”
Tumagal ang Diliman Commune ng isang linggo.
Naging marahas ang ginawang pagbuwag sa barikada na labis na ikinasama ni Marcos sa mata ng publiko.
Ngunit naipakita ng mga estudyante ang kanilang poder kung magkakaisa.
Ayon sa kolumnistang si Philip Lustre, naipakita rin nila ang kakayahang mag-propaganda na naging mitsa ng mga sumunod pang mas malaki at mapangahas na kilos-protesta laban sa gobyernong Marcos.
Dahil sa anibersaryo ngayon ng deklarasyon ng Batas Militar, iginigiit ng mga biktima na kahit mahigit apat na dekada ang nakalilipas ay hindi pa rin nila mapatawad ang pamilya Marcos.
Higit umanong hindi nila mapapatawad ang yumaong Pangulong Ferdinand Marcos at tutol sila sa planong paghihimlay sa labi nito sa Libingan ng mga Bayani.
By Drew Nacino | Jelbert Perdez