Ipinagdiriwang ngayong araw ang ika-442 anibersaryo ng pagkakatatag ng Pasig City na deklarado ring special non-working day sa lungsod.
Sarado naman ang ilang kalsada simula ngayong araw para sa mga isasagawang aktibidad tulad sa Raymundo Avenue, Mercedez Avenue at Stella Maris Street.
Dakong alas-7:00 nang magsimula ang parada sa Raymundo Avenue kaya’t pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na dumaan na lamang sa mga alternate route gaya ng C-5 kung pupunta sa Pasig mega market.
Isang street dancing competition naman ang idaraos alas-4:00 ng hapon sa Linggo habang inaasahan na ang matinding traffic sa Market Avenue at Road 2 lalo sa nasabing araw.
Samantala, inabisuhan ng Department of Labor and Employment ang mga employer sa Pasig City na tumalima sa holiday pay rules.
By Drew Nacino